Monday, August 08, 2005

Flashback: The UPCAT 2006 Diary Volume 3: Last Day

Note: This was supposed to be posted after the volume 2 entry, but it was just left as a draft. Well, better late than never ^_^;




Llamas Hall, UPCAT Hall Supervisory Team Table, 5:45 am

Maulan pa rin, pero maaga akong nagising at nakarating ng Pav 3 ....

Naroon na rin si Ma'am Teresa sa aming silid, pero kararating rin lang daw niya. At tulad kahapon, sinimulan na namin ang aming routine...

PH 4230, 7:00 am (approximately)

Umpisa na uli!!!!

Kung kahapon ay si Ma'am ang nagbabasa ng mga litanya ng mga instructions para sa mga mag-e-exam, ngayon ay ako naman. Katulad kahapon, kasama na sa ritwal ang pagpapapirma sa attendance sheet at pamimimigay ng test kit ng mga examinees (test booklet, instructions booklet, answer sheet, scratch sheet).

Makalipas ang ng "orasyon", nag-umpisa na ang unang batch ng examinees....

At katulad kahapon, nag-ikot kami para manmanan ang mga nag-e-exam para malaman kung sumusunod sila sa mga panuto. Mas lalo kaming nag-iikot 'pag nararamdaman naming may mga nagmamanman sa amin hehehe =p

PH 4230, 11:45 pm

Dahil mas maaga kaming nag-umpisa, tapos na kaagad kami. At nagtanghalian na kami.

At dahil sa maaga kami, akala namin ay mauumpisahan namin nang maaga ang huling batch. Siyempre naghintay kami pagkatapos naming ayusin lahat para sa hulng sesyon.

Pero...gulat lahat kami kasi kokonti pa lang ang mga dumarating! Biro nga ng mga ibang kasama namin sa Pav 3, baka raw wala na kaming afternoon session! Malas nga lang kasi may ilang dumating...

Dahil sa kokonti pa ang mga nasa loob, naghintay pa kami. At inabot kami ng 1:00 dahil nga may mga hinintay pa kaming mga dumating

PH 4230, 5:42 pm

Sa wakas, tapos na aang UPCAT!

Grabe, kami yata ang huling nakatapos. Kami yata ang huling nag-umpisa dahil nga naghintay pa kami ng mga dumarating. Pero kahit paano, nakahinga na kami ng maluwag dahil tapos na...

At pagkatapos mag-ayos, naglakad na kami ni Ma'am palabas ng Pav 3....

Wrap Up

Grabe, kapagod talaga ang UPCAT... pero kahit na pagod at parang magkakasakit pa ako, sulit na sulit kas masaya at kakaiba ang experience.

'Di pa tapos ang aming trabaho sa UPCAT kasi pupunta pa kami sa Office of Admissions sa August 9 para makita ang unpacking ng mga boxes na ginamit namin sa aming testing room. Tapos...wala na.

Sa mga nag-UPCAT, good luck na lang sa inyo....

At dahil tapos na ang UPCAT, balik uli sa dati ang aking buhay bilang guro.

Pero... sa aking pagbabalik, maraming kuwento ang maibibigay ko sa aking mga kasama.

Asteeg ^_^

Saturday, August 06, 2005

The UPCAT 2006 Diary Volume 2: Pambungad

Llamas Hall, UPCAT Hall Supervisory Team Table, 6:10 am

Late akoh!!!

Nagising naman ako nang maaga -- 4:30 am. Nakaalis naman ako ng bahay ng 5:38 am, at nag-pedicab pa ako papuntang sakayan sa may gulod ....

Ngak, ang tagal ko bago nakasakay! At grabe, kinailangan ko nang bumaba sa may Chem Pav dahil sa haba ng pila ng mga sasakyan. Tapos nu'ng dumating ako, kailangan kong magbihis kasi naka-T-shirt at shorts lang ako dahil nga umuulan at baka mabasa ang aking costume.... At naubusan pa ako ng ID para sa proctor! Nyak!

Buti na lang at nu'ng dumating ako 'di pa talaga nag-uumpisa. At hindi nainis ang aking kapartner na si Ma'am Teresa Eala, isang guidance counselor ng UPIS, at may ngiti pa rin siyang nagpakilala at nagpakita ng mga gagawin. Siya nga pala nag gumanap na examiner ngayong araw na ito kaya assistant n'ya ako para sa buong araw.

PH 4230, 7:00 am (approximately)

Umpisa na!!!!

Pagsapit ng mga ika-7 ng umaga ay sinimulan nang basahin ni Ma'am ang litanya ng mga instructions para sa mga mag-e-exam. Kasama na sa ritwal ang pagpapapirma sa attendance sheet at pamimimigay ng test kit ng mga examinees (test booklet, instructions booklet, answer sheet, scratch sheet).

Makalipas ang halos kalahating oras ng "orasyon", nag-umpisa na kami!

Madali na ang mga sumunod na mga pangyayari: nag-ikot kami para manmanan ang mga nag-e-exam para malaman kung sumusunod sila sa mga panuto (at wala silang ginagawang masama hehehe ^_^; ).

PH 4230, 10:30 am (approximately)

May naramdaman kaming medyo potensyal na problema sa medyo kalagitnaan ng eksamen ng unang sesyon.

Nakita kasi ni Ma'am Teresa na may babaeng examinee na medyo masama ang pakiramdam. At tama nga hinala namin: nilalagnat siya. Giniginaw siya pero wala siyang jacket. Ayun, inilabas siya at doon na sa tabi ng pinto nag-exam para 'di siya masyadong ginawin. binigyan na rin siya ng sweater. At maayos niyang nairaos ang UPCAT...

Akala talaga namin ni Ma'am, may mailalagay kaim sa irregularity report...

Whew... ^_^;

(P.S. Habang payapa kaming nagbabantay ni Ma'am, may nalaman kaming kakaiba sa kalapit namang room. May napaihi raw na examinee sa upuan! Siguro dahil 'yun sa sobrang nerbiyos... ^_^;)

PH 4230, 12:02 pm

Yey, tapos na! ^_^

Ayan, natapos na ang morning session! Pagkatapos uli ng ilan pang seremonyas, pinalabas na namin ang mga bata. At pagkatapos namin ayusin ang mga test booklets at iba pa, nagtanghalian na kami ni ma'am.

Makalipas ang halos kalahating oras ng pagkain at konting kuwentuhan, inihanda na namin ang aming mga sarili para sa susunod na sesyon....

PH 4230, 12:42 pm

Ayan, heto na ang bagong batch ng examinees!

Pagkatapos papasukin ay inulit lang ang mga litanya at seremonyas katulad nu'ng umaga, at inumpisahan na ang exam ng mga ala-una ng hapon....

PH 4230, 5:42 pm

Yey, tapos na ang unang araw! Whew!

Pagkatapos naming palabasin ang mga nag-exam ay nag-ayos na kami ng mga ilang bagay bago kami umalis nang sabay sa NIP.

Wrap Up

Grabe, kapagod...sakit nga ng paa ko sa kakatayo at kakalakad eh... Pero ayos na ayos kasi nagawa ko nang mahusay ang gawain ko at naging maganda ang working partnership namin ni Ma'am Teresa.

Ay, may bukas pa pala... Sana maging maganda ang huling araw namin...

At sana maging maayos akong...examiner! Yaiks, examiner pala ako bukas!

Weh, good luck sa akin... ^_^;

Friday, August 05, 2005

The UPCAT 2006 Diary --Volume 1

Sa kung saan, 7:30 pm


Weh, 'di talaga ako makapaniwala.

Biruin mo, makalipas ang halos 11 taon nu'ng kumuha ako ng UPCAT sa Math Building Room 322 (hanep, naaalala pa... ^_^), sasabak ako uli sa UPCAT....

Pero hindi na bilang examinee...bilang examiner-proctor na!

Asteeg!

Excited na excited na nga ako eh, kasi unang beses ko pa lang magbabantay sa UPCAT sa tatlong taon kong pagtuturo rito sa UP Diliman. At sa ibang gusali pa ako nakadestino -- sa Llamas Hall ('yung lumang Physics Pavillion), PH 4230. Dapat naroon na ako ng mga ala-6 ng umaga para maiayos na naming magka-partner sa silid ang mga materyales na gagamitin sa pang-umagang sesyon ng UPCAT bukas.

Sa sobrang excited ko nga ay binabasa ko nang paulit-ulit 'yung manual (hm, dapat naman talaga para malaman ko ang gagawin ko) umaga pa lang ng araw na ito. Tapos, kahit alam ko na 'yung room assignment ko, pumunta pa ako sa Office of Admissions para masilip ang listahan. (Nagkaroon pa ako ng dahilan para daanan du'n si Saira-chan ^_^). Heto ang mas asteeg: tiningnan ko pa 'yung room assignment ko kasama si Saira-chan! Parang estudyanteng mag-u-UPCAT ano? Wehehe ^_^;


Well, sana nga lang maging maayos ang aking pagganap sa tunkulin ko bilang examiner-proctor sa UPCAT bukas...Hindi kasi basta-basta 'yun kaya dapat gawin ko ang aking makakaya para mairaos ko ang pagganap ng iniatang na gawain sa akin ng aking pinakamamahal na Pamantasan...

At sana lang, maaga rin akong magising ^_^;