Friday, August 05, 2005

The UPCAT 2006 Diary --Volume 1

Sa kung saan, 7:30 pm


Weh, 'di talaga ako makapaniwala.

Biruin mo, makalipas ang halos 11 taon nu'ng kumuha ako ng UPCAT sa Math Building Room 322 (hanep, naaalala pa... ^_^), sasabak ako uli sa UPCAT....

Pero hindi na bilang examinee...bilang examiner-proctor na!

Asteeg!

Excited na excited na nga ako eh, kasi unang beses ko pa lang magbabantay sa UPCAT sa tatlong taon kong pagtuturo rito sa UP Diliman. At sa ibang gusali pa ako nakadestino -- sa Llamas Hall ('yung lumang Physics Pavillion), PH 4230. Dapat naroon na ako ng mga ala-6 ng umaga para maiayos na naming magka-partner sa silid ang mga materyales na gagamitin sa pang-umagang sesyon ng UPCAT bukas.

Sa sobrang excited ko nga ay binabasa ko nang paulit-ulit 'yung manual (hm, dapat naman talaga para malaman ko ang gagawin ko) umaga pa lang ng araw na ito. Tapos, kahit alam ko na 'yung room assignment ko, pumunta pa ako sa Office of Admissions para masilip ang listahan. (Nagkaroon pa ako ng dahilan para daanan du'n si Saira-chan ^_^). Heto ang mas asteeg: tiningnan ko pa 'yung room assignment ko kasama si Saira-chan! Parang estudyanteng mag-u-UPCAT ano? Wehehe ^_^;


Well, sana nga lang maging maayos ang aking pagganap sa tunkulin ko bilang examiner-proctor sa UPCAT bukas...Hindi kasi basta-basta 'yun kaya dapat gawin ko ang aking makakaya para mairaos ko ang pagganap ng iniatang na gawain sa akin ng aking pinakamamahal na Pamantasan...

At sana lang, maaga rin akong magising ^_^;