Late akoh!!!
Nagising naman ako nang maaga -- 4:30 am. Nakaalis naman ako ng bahay ng 5:38 am, at nag-pedicab pa ako papuntang sakayan sa may gulod ....
Ngak, ang tagal ko bago nakasakay! At grabe, kinailangan ko nang bumaba sa may Chem Pav dahil sa haba ng pila ng mga sasakyan. Tapos nu'ng dumating ako, kailangan kong magbihis kasi naka-T-shirt at shorts lang ako dahil nga umuulan at baka mabasa ang aking costume.... At naubusan pa ako ng ID para sa proctor! Nyak!
PH 4230, 7:00 am (approximately)
Umpisa na!!!!
Pagsapit ng mga ika-7 ng umaga ay sinimulan nang basahin ni Ma'am ang litanya ng mga instructions para sa mga mag-e-exam. Kasama na sa ritwal ang pagpapapirma sa attendance sheet at pamimimigay ng test kit ng mga examinees (test booklet, instructions booklet, answer sheet, scratch sheet).
Makalipas ang halos kalahating oras ng "orasyon", nag-umpisa na kami!
Madali na ang mga sumunod na mga pangyayari: nag-ikot kami para manmanan ang mga nag-e-exam para malaman kung sumusunod sila sa mga panuto (at wala silang ginagawang masama hehehe ^_^; ).
PH 4230, 10:30 am (approximately)
May naramdaman kaming medyo potensyal na problema sa medyo kalagitnaan ng eksamen ng unang sesyon.
Nakita kasi ni Ma'am Teresa na may babaeng examinee na medyo masama ang pakiramdam. At tama nga hinala namin: nilalagnat siya. Giniginaw siya pero wala siyang jacket. Ayun, inilabas siya at doon na sa tabi ng pinto nag-exam para 'di siya masyadong ginawin. binigyan na rin siya ng sweater. At maayos niyang nairaos ang UPCAT...
Akala talaga namin ni Ma'am, may mailalagay kaim sa irregularity report...
Whew... ^_^;
(P.S. Habang payapa kaming nagbabantay ni Ma'am, may nalaman kaming kakaiba sa kalapit namang room. May napaihi raw na examinee sa upuan! Siguro dahil 'yun sa sobrang nerbiyos... ^_^;)
PH 4230, 12:02 pm
Yey, tapos na! ^_^
Ayan, natapos na ang morning session! Pagkatapos uli ng ilan pang seremonyas, pinalabas na namin ang mga bata. At pagkatapos namin ayusin ang mga test booklets at iba pa, nagtanghalian na kami ni ma'am.
Makalipas ang halos kalahating oras ng pagkain at konting kuwentuhan, inihanda na namin ang aming mga sarili para sa susunod na sesyon....
PH 4230, 12:42 pm
Ayan, heto na ang bagong batch ng examinees!
Pagkatapos papasukin ay inulit lang ang mga litanya at seremonyas katulad nu'ng umaga, at inumpisahan na ang exam ng mga ala-una ng hapon....
PH 4230, 5:42 pm
Yey, tapos na ang unang araw! Whew!
Pagkatapos naming palabasin ang mga nag-exam ay nag-ayos na kami ng mga ilang bagay bago kami umalis nang sabay sa NIP.
Wrap Up
Grabe, kapagod...sakit nga ng paa ko sa kakatayo at kakalakad eh... Pero ayos na ayos kasi nagawa ko nang mahusay ang gawain ko at naging maganda ang working partnership namin ni Ma'am Teresa.
Ay, may bukas pa pala... Sana maging maganda ang huling araw namin...
At sana maging maayos akong...examiner! Yaiks, examiner pala ako bukas!
Weh, good luck sa akin... ^_^;
2 comments:
replica bags from china replica bags turkey replica bags high quality
l5x02r6l16 g9o08p1o33 f5j21e1l42 e1m31q8i36 h7r06e0b40 q4z36t1g09
Post a Comment